Monsoon rains sa ibang bahagi ng Luzon; Fabian napanatili ang lakas habang kumikilos pa-kanluran

Napanatili ng Bagyong Fabian ang lakas nito, habang patuloy na kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10kph.

Sa huling forecast ng Pagasa, huling namataan ang sentro ni Fabian sa 655 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas na hangin na 150 kilometers per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 185 kph.

Ayon sa weather bureau, hindi direktang magdadala ng malakas na ulan ang naturang bagyo sa bansa.

Pero dahil sa habagat na paiigtingin ng Fabian at ng Tropical Depression Cempaka na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility, makakaranas ng monsoon rains ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at ang northern portion ng Palawan (kabilang na ang Calamian and Kalayaan Islands). // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *