Municipal Agriculture Office ng bayan ng Daet magsasagawa ng seminar para sa 5 coastal Barangay sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng seminar ang Municipal Agriculture Office ng bayan ng Daet para sa 5 coastal barangay nito. Yan ay ayon sa Municipal Agriculturist ng nasabing opisina.

Kabilang dyan ay ang Barangay San Isidro, Gubat, Mambalite, Bagasbas at ang Barangay Awitan.

Ayon sa panayam ng Brigada News FM-Daet kay Dr. Reuben P. Naperi, OIC Municipal Agriculturist, tuturuan sa nasabing seminar ang mga kababaihang asawa ng mga mangingisda kung paano gawin ang tamang proseso ng paglalagay ng additional value sa mga huling isda ng kanilang mga asawa.

Susundan yan ng livestock seminar sa susunod na linggo na lalahukan naman ng mga nag-aalaga ng mga manok, pato at itik. Refreshing seminar naman para sa mga bantay dagat at training naman sa mga nagtatanim ng pinya sa mga susunod pang linggo.

Matatandaan, isa sa nauna ng programa ng Municipal Agriculture Office ay ang Sunday Market kung saan ang mga ani ng magsasaka ay ititinda sa harapan ng Sm City Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *