N. Korean leader Kim, iniutos ang fundamental transformation sa kanilang agrikultura sa gitna ng nararanasang food shortages

Iniutos ni North Korean leader Kim Jong Un ang fundamental transformation sa produksyon ng kanlang agrikultura sa gitna ng pangamba sa lumalalang food shortages sa bansa.

Ayon sa ayon sa state news agency, sinabi ito ni Kim sa sa ikalawang araw ng ikapitong plenary meeting ng 8th Central Committee ng Workers’ Party ng Korea.

Hindi idinetalye ng ulat kung anong mga hakbang ang gagawin ng North Korea, ngunit sinabi ni Kim na kailangang mangyari ang mga pagbabago sa susunod na ilang taon.

Ang kanyang pahayag ay dumating sa gitna ng mga ulat ng lumalaking problema sa kakulangan sa pagkain sa bansa.

Una nang sinabi ng Unification Ministry ng South Korea na ang food situation sa North ay tila lumala. Ang North Korea ay nasa ilalim ng mahigpit na international sunctions dahil sa nuclear weapons at ballistic missile programs nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *