Nasa mahigit 8K halaga ng shabu nakumpiska sa 30 anyos na lalaki sa ikinasang buybust ops

CAMARINES NORTE – Timbog ang isang lalaking kabilang sa Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) ng PNP sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba dakong 10:50 ng umaga, nitong Hunyo 4, 2021 sa Purok 5, Brgy IV, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si EMMANUEL NEBRIA, 30 anyos,  residente ng P4, Brgy IV, Daet, Camarines Norte.

Nakuha sa suspek ang isang (1) maliit na pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust drug) kapalit ng limang daang piso (Php500.00) bilang marked money, isang (1) coin purse na naglalaman ng anim (6) na pirasong pakete ng hinihinalang shabu, isang (1) nakatiklop na papel na naglalaman ng apat (4) pang piraso ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng umaabot sa humigit kumulang walong libong piso (Php8,000.00) at may timbang na humigit kumulang isang (1) gramo.

Ang arestado kasama ang mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *