Naturalized athletes sa SEA Games, sobra-sobra , ayon sa PSC

Napapanahon umanong pag-usapan ng SEA Games committee ang kalakaran ng pagkakaroon ng napakaraming naturalized players.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann, habang ang bansa ay may nag-iisang naturalized players lamang sa dribbler na si Justin Brownlee kumpara sa ‘sobra-sobra’ ng Cambodia.

Ganito rin ang sentimyento ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo, ngunit sinabi nitong kung hindi nilalabag ang panuntunan, walang magagawa ang mga miyembrong bansa kundi tanggapin ito.

Ang Cambodian boxing squad ay naglagay ng dalawang naturalized pugs sa heavier weight class na sina Anvar Nasredinov at Abdulla Rajapov mula sa Uzbekistan, kung saan si Nasredinov ay nakalaban ang pambato ng Pinas at pasok na ngayon sa finals na si John Marvin.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *