NAVFORSOL Legazpi isinailalim sa “total lockdown” dahil sa 8 na navy na positibo sa Covid-19

LEGAZPI-Isinailalim sa total lockdown ang Naval Forces of Southern Luzon o Navforsol na nakabase sa Regional Site sa Barangay Rawis sa lungsod ng Legazpi lalawigan ng Albay dahil sa aabot 8 na nagpositibo sa Covid-19.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi, noong lunes nagpositibo ang walong navy sa isinagawang Antigen test.

Ang mga ito ay naka-quarantine na din matapos nga halos lahat ay asymmptomatic o walang naramdaman na anumang sintomas ng sakit na corona virus.

Dahil dito isinailalim na sa lockdown ang nasabing opisina para bigyang daan ang isasagawang contact tracing, kasama na rin ang disinfection sa naturang opisina ng gobyerno.

Samantalang muli naman na pinaalala ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na resulta lamang ito ng mga hindi pa nababakunahan at malapit pa rin sa virus.

Siniguro naman nito na marami ang mababakunahan mas lalo pat kahapon dumating na nga aabot sa 12 thousand doses ng sinovac at sputnik at aasahan rin ang pagdating ng aztrazenica.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *