Mga kaso laban sa lalaking nakipag-habulan sa QCPD, isasampa ngayong araw!

Nakatakda nang sampahan nang patong-patong na kaso ngayong araw ang lalaking nagviral kahapon matapos makipag habulan sa operatiba ng Quezon City Police District.

Ayon kay Lt Col. Alex Alberto, station commander ng Police Station 10 ng QCPD, nahaharap sa kasong staffa, resistance and disobedience to person in authority, at multiple damage to property ang isasampa sa suspek na si Arvin Chua Tan.

Nag-ugat ang insidente matapos ireklamo ang suspek ng isang manager ng Sogo Hotel matapos itong magwala kahapon.

Imbes umano magbayad matapos mag check-in, naniningil pa ito ng 20, 000 pesos.

Dito na humingi ng Police Assistance ang pamunuan ng hotel at imbes na sumuko ay nakipag habulan pa ito sa mga ototidad gamit ang itim na BMW.

Mula Timog Avenue nasukol lamang ang suspek bandang Morayta, Manila.

Sa naturang habulan isang trysikel ang nabunggo ng suspek at bumaliktad kung saan nasugatan ang driver nito, aabot pa sa siyam na sasakyan ang nasagi nito kabilang na ang tatlong police mobil na humarang sa sasakyan ni Tan.

Sa ngayon nasa Quirino Memorial Medical Center ang suspek dahil ipinagamot matapos magtamo ng mga sugat at gasgas sa katawan.

Sumailalim na rin ito sa drug test subalit hangang ngayon wala pang inilalabas na resulta ang QCPD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *