NBI Bicol, nilinaw na wala pa ni isang actual killer ng Conception gang ang sumusuko

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) Bicol na ang mga sinasapublikong umano’y miyembro ng Conception Criminal Gang na unang sumuko sa PNP ay pawang mga tagasuporta at runner lamang ng grupo.

Ito ang inihayag ni NBI Bicol Team Leader Atty. Felipe Jessie Jimenez sa isang press conference.

Ayon sakanya, wala pa silang naitatala kahit isa na aktwal killers mula sa core group ng napatay na gang leader na si Gilbert Saysay Conception.

Maliban dito, nilinaw din ni Jimenez na si Ruel Cabrillas, isa sa mga most wanted ng Bicol na kamakailang nadakip sa Canlubang, Laguna na umano’y miyembro rin ng grupo at tinuturong may kinalaman sa pagpaslang at pagpugot ng mga ulo ng ilang mga naiulat na nawawala sa rehiyon ay hindi siyang nag-tip sakanila kaugnay ng mga narekober na skeletal remains sa bayan ng Libon, Albay noong Lunes.

Samantala, kung babalikan din sa press statement ng NBI noong Enero 30 sa pagkakaaresto kay Cabrillas, nakalagay na hindi ito nanlaban nang silbihan ng arrest warrant bagkus ay “voluntarily surrendered himself” o kusang sumuko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *