NBI napigilan ang tangkang pagtakas ni Kerwin Espinosa at 2 iba pa

Nagpatupad ng mas mahigpit na security measures ang National Bureau Investigation sa kanilang detention facility sa Maynila.

Ito ay matapos mapigilan ang tangkang pagtakas ni self-proclaimed drug lord Kerwin Espinosa at dalawang iba pang detainees.

Ayon kay NBI officer-in-charge Eric Distor naunsiyami ang planong pagtakas ng grupo ni Kerwin matapos madiskubre ang sinirang exhaust fan kung saan may butas na kasya ang isang tao.

Gumagawa naman ang mga tauhan ng NBI para tingnan ang iba pang pasilidad dahil posibleng may iba pang detenido na nagbabalak din tumakas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.