NEDA, inaasahang hihina ang inflation rate ngayong buwan ng Enero

Inaasahan ng National Economic and Development Authority o NEDA na hihina ang inflation rate ngayong buwan ng Enero.

Sa public briefing , sinabi ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon, na ang seasonal factors kabilang ang mababang base effect sa parehong panahon noong 2021 ay nag-ambag sa mas mabilis na inflation na naitala noong nakaraang buwan.

Matatandaang iniulat ng Philippine Statistics Authority na pumalo sa 8.1% ang inflation rate noong Disyembre na pinakamataas mula noong November 2008.

Ayon sa PSA, ang mga naging dahilan ng inflation noong nakaraan buwan ay ang mga food and non-alcoholic beverages na nagtala ng 10.2% na pagtaas at nag-ambag ng 38.9% na bahagi ng kabuuang inflation ng bansa.

Samantala , target naman ng gobyerno ang 2% hanggang 4% inflation rate ngayong 2023.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *