NFA patuloy ang pamimili ng palay sa mga magsasaka sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Patuloy umanong namimili ng palay ang National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka kahit wala na itong opisina at bodega na lang ang mayroon dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Acting Warehouse Supervisor Ryan Lozano, sinabi nito na hindi naman huminto ang NFA sa pamimili ng palay.

Pero ang binibili lang umano ng NFA ngayon ay tuto at malinis nang palay sa halagang P19 kada kilo.

Sira daw kasi ang kanilang mechanical drying equipment at hindi pa napaglalanan ng budget para ito ay maisaayos.

Pwede naman daw na magpatuyo ang mga magsasaka sa kanilang compound at saka ito titimbangin.

“Sa mga farmers ng Daet, ng Camarines Norte patuloy po kaming namimili ng palay sa halagang P19 dry and clean lang po at kung hindi naman siya gaanong malinis ,meron pong kaakibat na presyo pero P19 din po siya meron lang siyang parang riseko.”

Ipinasilip rin ni Lozano sa Brigada News FM ang stocks nilang palay at bigas sa NFA warehouse at kapansin- pansin kakaunti ito ngayon kumpara dati.

Sa ngayon ay nasa 6,000 bags lang ng palay at 200 bags ng bigas ang kanilang stocks na hindi sapat sakaling magkaroon ng sunod- sunod na kalamidad.

Ang buffer stocking natin dito sa Camarines Norte, nasa 6, 000 bags na palay lang tapos ang bigas nasa 200  lang pero hindi siya ano, hindi siya nire –release for BJMP lang siya.”

Gayunman, pwede naman umano silang mag request sa ibang branch kung kakailanganin.

Hindi rin sa ngayon masabi ni Lozano kung hanggang kailan tatagal ang kanilang stcoks.

“Yan ang hindi ko masasagot kasi palay pa lang siya, ngayon kung pagbabasehan yung SOP dapat 6 months magiling na yung palay kung titingnan natin yung 6,000 bags, 63 % niyan magiging bigas, nasa 3, 700 bags lang yan,” ani Lozano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.