No face mask, No face shield- No entry policy hinigpitan sa LGU ng Mercedes, Camarines Norte

MERCEDES, CN- Epektibo simula nitong Martes, April 20 ay hinigpitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes sa Camarines Norte ang pagpapatupad ng health protocols bilang pag iingat sa COVID- 19.

Batay sa Office Order No 1 series of 2021 ni Mayor Dante Morales, iniutos nito ang mahigpit na pagpapatupad ng No Face Mask, No Face Shield- No entry policy sa loob at labas ng LGU premises.

Ang pagpapalabas ng Office Order ay kasunod naman ng bagong Executive Order na ipinalabas naman ng Provincial Government hinggil sa ilang mga pagbabago at polisiya sa paglaban sa COVID- 19.

Sabi pa sa Office Order na huhulihin ng PNP ang sinumang hindi susunod sa ipinalabas na panuntunan.

Sa ngayon ay mayroon nang 19 na kaso ng sakit sa naturang bayan at mayroon na ring namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *