NPA arestado matapos na maituro ng biktima na hinabol ng baril

SORSOGON CITY – Arestado ang isang kasapi ng rebeldeng grupong NPA sa ikinasang hot pursuit operations ng mga awtoridad sa West District, Sorsogon City.

Nakwelyuhan habang tumatakas si Eduardo Janaban Lactao Jr, alias Red/Acer, 33-anyos, may kinakasama at naninirahan sa Sitio Bonglas, Brgy Pamurayan ng nasabing distrito. Nabatid na ito umano ay isang Political Instructor ng Larangan 2.

Una rito, ang suspek ay nainguso ng kanyang biktima na kanyang tinutukan at hinabol ng baril. Agad na naisumbong ng biktima sa pulis ang nasabing insidente.

Narekober sa loob ng sling bag ng suspek ang isang 9mm na baril na kargado ng isang bala, isang steel magazine na kargado ng 9 na bala at isang hand grenade.

 Nahaharap na ang suspek sa magkapatong na kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari ng pampasabog.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *