NUJP, may agam-agam kaugnay sa mga panukala na isinusulong para labanan ang fake news

Nagpahayag ng kanilang reservation ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay sa legislating measures para tugunan ang fake news sa bansa, dahil maari umano itong magamit para patahimikin ang mga mamamahayag.

Ito ang babala ni NUJP Chairperson Jonathan de Santos sa mga senador, bunsod ng batas para sa libel at ang Bayanihan to Heal as One Act.

Sa kabila nito, bukas at suportado naman umano ng NUJP ang target ng Senado na matugunan ang problema sa disinformation at misinformation.

Kampante naman si De Santos na isusulong ng Senate committee on public information and mass media ang mga amendments sa Cybercrime Prevention Act na poprotekta at kakatigan ang freedom of the press at freedom of speech.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *