Number coding scheme, palalawigin simula sa Lunes

Pinalawig pa ng Metro Manila Council (MMC) ang umiiral na number coding sa National Capital Region o NCR bilang paghahanda sa face-to-face classes.

Ayon sa MMC, ipatutupad ang coding simula sa August 15, 2022 nang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng hapon.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, ginawa ang pagpapatupad ng expanded coding scheme dahil na rin sa inaasahang pagdami ng mga sasakyang lalabas sa Metro Manila.

Batay sa kanilang pagtaya, aabot sa 13 percent ang itataas ng bilang ng mga sasakyan na mamamalagi sa mga lansangan sa Metro Manila sa oras na magsimula na ang pasukan.

Kaugnay nito, nakikipagugnayan na umano ang MMDA sa Department of Transportation para sa deployment ng mga bus at pagdadagdag ng mga traffic enforcers.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *