OCTA: NCR, 12 areas sa Luzon – tumaas ang positivity rate

Lalo pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region kung saan naitala ito sa 12.4% sa nakalipas na linggo habang tumaas din sa 12 pang lugar sa Luzon.

Sinabi ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, ang pagtaas ay mula sa 11.1% na naitala noong November 26 hanggang paakyat ng 12.4% nitong Disyembre 3.

Kabilang naman sa mga lalawigan sa Luzon na tumaas ang positivity rate ang Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal at Zambales

Sa nasabing mga lalawigan, ang Nueva Ecija ang nagtala ng pinakamataas na positivity rate na 39.1% na sinundan ng Camarines Sur sa 38.8% kasunod ang Isabela na may 38.6%

Taliwas naman ito sa pagbabang naitala ng Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Kalinga, La Union, Mountain Province at Tarlac

Matatandaan na naitala ang mga bagong kaso sa bansa na 1,173 na pang-apat na sunod na araw na mas mataas sa 1,000 ang mga bagong kasong naitatala sa buong bansa.//LEO NAVARRO-MALICDEM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *