OFW sa Russia, nilinaw na ligtas sila sa kabila ng sigalot sa Ukraine

KORONADAL CITY — PROBLEMA sa internet connection, banking at pagbaba ng exchange rate ang ina-alala ngayon ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa bansang Russia sa kabila ng gulo sa katabing Ukraine.

Ito ang kinumperma ni Ging Dignadice, residente ng Koronadal at OFW na nagtatrabaho sa Moscow sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Dignadice, ipinatawag na sila ng Embahada ng Pilipinas sa Russia at pina-iiwas sa pag-post sa social media ukol sa nangyayaring kaguluhan. Pina-iiwas din ang mga ito sa pakikibahagii sa mga protesta.

Inilarawan naman ni Dignadice na isang magaling na pangulo si Vladimir Putin dahil maayos ang pamumuno nito sa buong bansa sa loob na ng ilang dekada.

Sa ngayon, nasa maayos naman umano ang kalagayan ng mga Pinoy sa Russia at walang dapat ikabahala ang kanilang pamilya didto sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *