Optical Media Board, pinabubuwag na ng isang Senador

Pinabubuwag na ni Senator Jinggoy Estrada ang Optical Media Board dahil wala na aniyang  saysay ang mandato nito.

Inihain ni Estrada ang  Senate Bill No. 1904, na nananawagan para sa pagbuwag ng ahensiya.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang mandato ng OMB ay para puksain ang paglaganap ng film piracy, na noon ay gumagamit pa ng optical media.

Aniya, noong laganap pa ang iligal na gawaing ito, lubhang naapektuhan ang operasyon ng mga sinehan na nagdulot ng matinding pagbaba ng bilang ng mga manonood ng sine at malaking pagkalugi ng gobyerno. Giit pa ng senador lipas na ang dapat sa sana’y tungkulin na ginagampanan ng OMB dahil ang  storage medium at mga device sa ilalim ng regulatory control ng ahensya ay hindi na tinatangkilik.

Para matugunan ang alalahanin sa mga maaapektuhang mga tauhan ng OMB, iminungkahi niya na i-absorb ng Film Development Council of the Philippines ang ilan sa kanila, ilipat sa ibang ahensya, o bigyan ng separation benefits sakaling magdesisyon na lang sila na magretiro na sa serbisyo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *