P550M pondo para sa re-development ng Matnog Port kasado na

Kinumpirma ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) Sorsogon na kasado na ang P550M pondo para sa development ng Matnog Port.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay SPTCAO head Bobby Gigantone, sinabi nito na positibo ang naging pakikipag-usap nila sa Department of Budget and Management (DBM) at inaprubahan ang kanilang hiling na mas palawakin at pagandahin ang Matnog Port upang maiwasan na ang problema sa congestion at maging komportable na rin ang mga naaantalang biyahero tuwing may suspensyon o kanselasyon ng biyahe dahil sa sama ng panahon.

Sa ngayon ay hihintayin na lamang ng Provincial Government ang pagbaba ng naturang pondo sa Phillipine Ports Authority (PPA) para sa full implimentation ng proyekto na inaasahang masisimulan na ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *