P600K halaga ng ayuda naipamahagi ng Brigada Foundation sa typhoon victims sa Dinagat Island

Nakabalik na ang team ng Brigada News FM na naghatid ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Dinagat Island.

Ang naturang lugar ay isa sa mga labis na napinsala ng bagyong Odette sa Mindanao.

Pinaganuhan ng Brigada News FM-Davao at KaBrigada Foundation Inc. kasama ng mga partners at sponsors ang paglikom ng mga tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Dahil sa pagtutulungan ng mga Ka-brigada Umabot sa mahigit P600,000 na halaga ng food packs, hygiene kits, trapal, tubig, laruan at iba pang items ang naipamigay sa mga apektadong residente.

May inilaan din programa ang Brigada para sa mga bata katulad ng Magic show upang kahit papaano ay makapagbigay ng munting kasiyahan sa gitna ng kinakaharap na pagsubok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *