Pag-atake sa Norway gamit ang bow and arrow, posibleng ‘act of terror’

Naniniwala ang mga otoridad sa Norway na maituturing na “act of terror” ang pagpatay ng isang Danish Muslim convert sa limang tao gamit ang bow at arrow sa south-eastern town ng Kongsberg.

Kinilala ng mga otoridad ang 37-anyos na suspect bilang si Espen Andersen Brathen, na agad umamin sa nagawang krimen.

Kasama sa nasawi mula sa insidente ang apat na babae at isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong iba pa.

Kinokonsidera ng Norway ang nasabing pag-atake bilang pinakamadugo sa loob ng isang dekada.

Inihayag naman ng Norway intelligence service na sinusubukan pa nitong maditermina ang motibo ng suspek.

Naiulat naman ng Norwegian media na naging subject si Brathen ng dalawang court rulings sa nakalipas.

Meron itong restraining order na inihain ng dalawa niyang kamag-anak kung saan ang isa nito ay pinagbataan niya ng buhay, at isang conviction para sa burglary at pagbili ng narcotics noong 2012.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *