Pag-eehersisyo at pamamasyal sa Remy Field sa SBFZ, ililibre na

Aprubado na ng mga miyembro ng SBMA Board ang panukalang gawing libre ang pag-eehersisyo at iba pang physical activities sa Remy Field sa Subic Bay Freeport.

Ito ay makaraang sabihin ng SBMA Chairman Administrator Rolen Paulino Sr na hindi na dapat pinababayaran pa ang pasilidad na magagamit sa ehersisyo ng mga indibidwal mula sa Freeport at sa Olongapo.

Ayon kay Paulino, nitong nakalipas na Martes ay inaprobahan ng board ang paglilibre sa pag-eehersisyo sa lugar maliban na lamang sa mga gagamit ng pasilidad para sa mga special events.

Paalala lang ng opisyal sa publiko na panatiling malinis ang pasilidad ngayong pinayagan na itong maging libre.

Matatandan, dati ay sinisingil ng tig-bente pesos ang mga gustong mag-jogging sa loob pero dahil sa apela ng mga gustong ilibre ang pasilidad kaya napagbigyan.

Hindi naman inaasahan ng SBMA na magiging malaking kabawasan ito sa kikitaan ng Freeport.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, footwear and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *