Pagbili ng PAF ng mas modernong fighter jet, tiniyak ng DND

Tiniyak ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorezana na tuloy o “on track” ang pagbili ng multi-role jet fighter para sa Philippine Air Force.

Ito ay kasunod ng pagsakay ng kalihim sa isa sa mga FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force kung saan nagsagawa ito ng aerial maneuver sa Sanay-Datu Air Defense Exercise sa Basa Air Base sa Pampanga.

Ayon kay Sec. Lorenzana, ito ang unang pagkakataon sa loob ng 25 taon na nakapagsagawa ng air defense exercise ang Air Force lalo na’t ngayon lamang sila nagkaroon ng mga modernong eroplano.

Sinabi pa ng kalihim na sa halip na kumuha ng 12 pang FA-50 fighter jet ay mga multi-role jet fighters na lamang ang bibilhin.

Nasa 24 na multi-role jet fighters aniya ang nais sana nilang bilhin, ngunit sa ngayon ay 12 pa lamang aniya ang siguradong makukuha.

Higit aniyang importante sa panahong ito na magkaroon ng credible air defense dahil umano sa sitwasyon sa mga rehiyon na may kinalaman sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *