Pagcor: walang naitalang Pogo-related criminal activities sa nakalipas na tatlong buwan

Iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na walang criminal activities na may kaugnayan sa offshore gaming operations, sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon sa Pagcor, ito ay resulta ng inter-agency crackdown sa illegal gaming operations sa bansa.

Sa gitna nito, tiniyak ng naturang ahensya sa publiko na mahigpit nilang minomonitor ang mga kaso na kinasasangkutan ng MOA Cloudzone Corp. at Brickhartz Technology Inc., na parehong dawit sa mga criminal cases sa mga Chinese Pogo workers.

Pagbabahagi pa ng Pagcor, na may kaso nang naihain laban sa MOA Cloudzone, perop naibasura umano ng Department of Justice noong November 2022, habang ang Brickhartz Technology naman ay nananatiling under investigation. Una na nang nagpahayag ng pagkaalarma si Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate ways and means committee, kaugnay sa P6-billion contract na pinasok ng gobyerno sa third-party auditor ng Pagcor para sa offshore licensees na Glocal ComRCI na umano’y hindi credible, hindi capable, at hindi kwalipikado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *