Rekomendasyon ng FEO na bawiin ang LTOPF ni Quiboloy, natanggap ni PNP Chief Gen. Marbil

Natanggap na ni PNP Chief Police General Rommel Marbil ang rekomendasyon ng Firearms and Explosives Office na bawiin ang license to own and possess firearms ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Marbil, kasalukuyang inaaral ng kanyang opisina ang pirmadong resolusyon ng FEO Firearm Revocation and Restoration Board.

Sinabi ng opisyal na oras na ma-check ang legal provisions ay saka nya ito pipirmahan para agad nang ipatupad.

Nabatid na base sa records ng FEO, 19 na baril ang naka-rehistro kay Pastor Quiboloy na may warrant of arrest sa mga kasong sexual abuse at human trafficking.

Una namang ipinaliwanag ni PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo na nakasaad sa RA 10591 o comprehensive firearms and ammunitions law ang mga dahilan na pwedeng gawing basehan ng pagkansela ng LTOPF, kung saan hindi pa pasok sa “grounds” ng kanselasyon si Quibuloy.

Maliban dito hindi kinokonsidera ng PNP na armed and dangerous si Quibuloy dahil wala syang records ng pagiging bayolente at pagmamay-ari ng private armed group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *