Pagdedeklara ng “state of calamity” dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal, iminungkahi

Hinimok ni Senador Francis Pangilinan ang Malacañang na pag-aralan kung dapat na bang magdeklara ng state of calamity sa mga lugar sa Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Aniya, sa oras na magdeklara nito, mabilis na makakapagpalabas ang gobyerno ng pondo at mabilis din na makatutulong sa mga residenteng inilikas at posible pang ilikas mula sa mga high risk barangays na malapit sa bulkan.

Ayon sa Senador, kailangan ng maagap na aksyon dahil habang pinangangambahan ang malalang pagputok ng bulkan, mayroon pa rin aniyang covid-19 pandemic na malaking hamon para sa mga evacuees sa Batangas.

Inaasahan naman ng Senador na ikokonsidera ito ng mga matataas na opisyal lalo’t higit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakda naman ang Senador na maghain ng isang resolusyon para ipanawagan ang deklarasyon ng state of calamity sa ilang lugar sa Batangas.

Mababatid na apektado na rin ang kabuhayan ng maraming residente na sa ilang lugar sa Batangas dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.