Pagdedeklara ng State of Calamity, hiniling sa Palawan

Panahon na umanong mag-deklara ng state of calamity sa buong probinsya ng Palawan dahil sa matinding tag-init ngayon tulad sa ibang panig ng bansa, ayon kay BM Winston G. Arzaga.

Sa Tira Brigada, inihayag ni Arzaga na naaalarma na siya na wala pang dinedeklarang state of calamity at parang “nagrerelax” ang probinsya kahit ramdam na ramdam na aniya ang epekto ng “severe drought”.

Sa paglilibot umano ni Arzaga ay kitang-kita niya na ang dulot ng tagtuyot lalo na sa bahaging Norte.

Sa oras na magdeklara ng state of calamity ang gobernador ng lalawigan, makakakuha ng pondo para sa quick response na itutulong sa apektadong sektor tulad ng magsasaka.

Gayunman, nakasalalay sa Palawan Governor ang pagdedeklara nito pero hindi niya aniya alam kung ano pang hinihintay nito bago magdeklara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *