125 pamilya sa Camarines Sur inilikas dahil sa baha kahapon

NAGA CITY- 125 pamilya ang inilikas kahapon sa Camarines Sur dahil sa halos walang humpay na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at may pagguho ng lupa.

Sa record ng Office of the Civil Defence Bicol katumbas ito ng 408 na indibidwal na mga mula sa bayan ng Tinambac, Lagonoy, Calabanga at Magarao.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rommel Batanes ng operations unit ng MDRRM Lagonoy, sinabi nitong kagabi balik na sila sa headquarters dahil tumila ang ulan  pero naka bantay parin sa sitwasyon habang pinaalerto ang mga Barangay Officials upang maka update kung kinakailangan pa muling magpa evacuate.

Nakaranas din ng pagbaha sa Caramoan, Goa, Presentacion, San Jose, Tinambac at Bombon. 

Dahil na nga sa matagal na ulan, lumambot na ang lupa sa San Sebastian, Lagonoy partikular sa Lagonoy- Presentation Road.

Ibinandera naman ni Governor Luigi Villafuerte at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang Red Alert Status para sa  maghapon at magdamagan na monitoring ng Emergency Operations Center

Ipinatupad din ang No Sailing Policy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *