Pagiging sagana sa pagkain dahilan kung bakit dumadagsa ang Butanding sa karagatan ng Donsol

Pagiging sagana sa planktons gayundin sa isdang tamban o lawlaw sa katubigan ng bayan ng Donsol ang isa sa nakikitang dahilan kung bakit dumarami ang Butanding sa nasabing bayan.

Paliwanag ni Provincial Tourism Culture and the Arts Office head Bobby Gigantone, base kasi sa pag-aaral ang mga ito ang pangunahing pagkain ng mga Butanding na sagana naman sa lugar simula buwan ng Pebrero na siya ring simula ng feeding season.

Ayon dito, dahil maraming pagkain kung kaya hindi na umano nakapagtataka na dumagsa dito ang nasabing mga whales hark.

Aniya pa, sa katunayan; sa kanyang dalawang araw na pamamalagi sa nasabing bayan ay nakakapagtala na ng hanggang apat na sightings ng nasabing mga gentle giants, na tunay naman umanong nagbibigay kasiyahan sa mga turista sa lugar.

PHOTO : Jordi Sark

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *