Pinaplanong kumuha ng bansa ng mga submarines kasunod ng development ng anti-submarine capabilities.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ang naturang acquisition ay bahagi pa rin ng kanilang plano.
Pero sa ngayon, nasa kalagitnaan pa aniya sila ng pag-develop ng mga anti-submarine capabilities.

Ito raw muna ang uunahin nila, at pagdating ng panahon, kapag maayos na ang mga kondisyon, makakayanan na ng bansa kumuha ng submarines.
Paliwanag ni Marcos, ang pag-operate sa submarine ay hindi biro at nangangailangan ng napakalaking commitment kung saan kailangan ang mga mahahalagang operational requirements gaya ng training at iba pang mga kagamitan. //SM, edited MHEL PACIA