Pagsasailalim ng NGCP sa Mindanao grid sa yellow alert, tunay na nakakabahala – senador

Agad nang pinaiimbestigahan ni Senador Win Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang pagdami ng mga nangyayaring forced outages sa mga power plants.

Ito ay alinsunod sa pagsasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Mindanao grid sa yellow alert.

Ang yellow alert status ay isang babala na ang reserbang kuryente sa grid ay mababa at posibleng hindi na sapat upang matugunan ang mga demand.

Kaugnay nito, ipinunto ng senador na tunay na nakakabahala ang pagsasailalim ng Mindanao rito dahil sa marami naman umanong sobrang kapasidad ng kuryente ang nasabing isla.

Samantala, nanawagan naman din si Senador Chiz Escudero sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na bantayan ang mga generation companies (gencos) upang masundan ang kanilang mga itinatakdang scheduled outages.

Ito ay sa gitna ng lalong tumitinding init sa bansa at muling pgsasailalim sa Luzon at Visayas sa red at yellow alert status.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *