Nabawasan na ang congestion o siksikan ng mga covid-19 suspect sa ilang ward ng James L. Gordon Memorial Hospital.
Ito ay mula nang mag-operate ang molecular laboratory na ipinatayo ng city government ng Olongapo.
Ayon kay hospital chief Dr. Jewel Manuel, dati ay kailangang maghintay ng hanggang tatlong araw bago lumabas ang resulta kaya sa halip na mailipat sa ibang ward depende sa uri ng sakit ay tumatagal sa covid-19 suspect isolation area ang mga pasyente.
Bukod pa dito, naniniwala din si Manuel na dahil sa mabilis na paglabas ng resulta ng rt-pcr test ay liliit din ang posibilidad ng hawaan sa mga pasyente at mga bantay.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO