Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte naitala sa 7. 1 percent noong Mayo

CAMARINES NORTE – Naitala sa 7.1 % ang headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte nitong May 2021.

Nanganghulugan ito na bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo kumpara noong Abril na nakapagtala ng 7.9 % inflation.

Gayunman, maituturing  na “unmanageable” ang inflation sa lalawigan dahil nanatiling mataas ang 7. 1 % o nangangahulugan na mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga binibiling produkto at serbisyo.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo nitong May 2021 kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon na nakapagtala lang ng 3.8 % inflation.

Pangalawa rin ito sa may pinakamataas na inflation sa loob ng siyam na taon  matapos maitala ang 7. 5 % noong 2018.

Samantala, mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa buong Bicol Region makaraang halos mapako ang inflation.

Naitala nitong Mayo ang 7.5 % inflation sa rehiyon na na bahagyang mababa kumpara sa 7.9 % noong Abril.

Pinakamataas naman ito sa loob ng siyam na taon sa magkakaparehong buwan.

Ipinapakita rin sa datos ng PSA na inilabas nitong Biyernes na halos lahat ng lalawigan sa Bicol ay naging mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo noong Mayo.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Sur, Catanduanes at Masbate makaraang maitala ang 98. %,  9.0 % at 8. 3 % inflation ayon sa pagkakasunod- sunod.

Sa kabilang dako, mabagal naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Sorsogon makaraang makapagtala ng 3. 6 % inflation sa panahong nabanggit.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at kalakal na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *