‘Pahayag ng pangulo na sa ospital lamang isuot ang face shield, presidential policy’

Kinumpirma ng Malacanang na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital lamang dapat isinusuot ang face shields.

Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na pwedeng iapela ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang bagong polisiya ng presidente.

Aniya, ire-raise nya ang isyu sa meeting ng IATF ngayong araw.

Mababatid na sinabi kahapon ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na pwedeng wag na magsuot ng face shield sa open spaces.

Ito ay matapos syang matanong kung pwedeng wag na magsuot ng face shield ang mga manggagawang nagtatrabaho sa labas.

Sinabi ni Vega na pwedeng ma-distract ang manggagawa sa moist na nabubuo sa face shield habang nagtatrabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *