Palasyo, blangko pa sa plano ni Pangulong Duterte sa unang araw nito bilang ‘private citizen’

Isang linggo bago pormal na bumaba sa puwesto si outgoing President Rodrigo Duterte, dadalo ito ngayong araw sa ilang mga aktibidad sa Davao.

Sa schedule na inilabas ng Malacañang, nakatakdang pumunta ang Pangulo sa Davao para sa paggagawad ng pabahay sa ilang mga benipisyaryo sa Madayaw Residences Units sa Bangkal Talomo District.

Makakasama ni Duterte sina National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada at Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario.

Sa kabila nito, hindi pa rin tukoy ng Palasyo kung ano ang mga magiging unang aktibidad ni Duterte sa oras na bumaba na ito ng Malacañang sa Hunyo a-trenta.

Ayon kay Communications Secretary and acting Presidential spokesperson Martin Andanar, hindi pa rin naisasapinal sa ngayon kung kaagad na bang uuwi si Duterte sa hometown nito sa Davao City sa pagtatapos ng kanyang termino.

Matatandaang ilang buwan na ang nakalipas nang mag-umpisa nang mag-impake ang outgoing president ng ilan niyang kagamitan sa Presidential Palace pabalik sa Davao City.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *