Palasyo: Legal ang pagbabakuna vs COVID-19 kay Duterte

Binigyang diin ng Malacaรฑang na walang ilegal sa pagbabakuna kay Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang COVID-19 vaccine na binuo ng China’s Sinopharm.

Giit ng Palasyo, hindi rin naman smuggled ang naturang bakuna, dahil ito ay donasyon ng Chinese government.

Maliban dito, sinabi ni Roque na may compassionate use na inilabas para sa PSG Hospital.

Mababatid na noong Lunes nang matanggap ni Duterte ang unang dose ng Sinopharm vaccine, na kanya ring preferred brand, sa kabila na hindi pa ito pormal na nag-aaplay para sa emergency use authorization sa Food and Drug Administration.

Sa kabila nito, noong Pebrero nang bigyan ng FDA ang Presidential Security Group ng compassionate special permit para gamitin ang Sinopharm doses sa kabila ng hindi pagiging rehistrado nito. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *