Pamilya Castillo sinisi ang South Cotabato Provincial Hospital sa pagkamatay ng kanilang anak

KORONADAL CITY – SINISISI ngayon ng pamilya Castillo ang Pamunuan ng South Cotabato Provincial Hospital dahil sa kapabayaan ng ilang mga nurse at doctor kung kayat nasawi ang kanilang anak na si Christian Castillo, 23 anyos, at graduating sana sa kolehiyo sa kursong social work.

Ayon sa ama ng biktima na si Kagawad Bobby Castillo ng Barangay Concepcion na bandang alas -12 ng tanghali nitong abril 21,2024 ng isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang kanyang anak, dahil sa pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga. pagdating ng mga ito sa naturang ospital, ay agad na isinailalim sa triage ang biktima, subalit pagdating ng mga ito sa loob ay hindi umano inasikaso ng mga nakaduting nurse at doctor si Christian, kahit bigyan man lamang ng oxygen para makahinga ito ng maluwag.

Dagdag ng ama ng biktima na mahigit isang oras silang naghintay at ilang beses na nakiusap sa mga nurse at doctor na tulungan ang kanyang anak subalit pinaghintay lamang ang mga ito.

Dahil sa hindi magandang pakiramdam, umuwi si kagawad at ng tawagan nito ang kanyang panganay na anak na siyang nagbabantay sa biktima, ay pinauwi umano ang mga ito dahil normal naman ang BP at ECG ng pasyente.

Pagdating ng mga ito malapit sa public terminal ay muling inataki ang biktima, dahilan upang muli itong isinugod sa provincial hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktima, kasunod ng panawagan kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., na tulungan ang mga ito na mapanagot ang may kasalanan sa sinapit ng kanilang kaanak.

Ipinunto ng opisyal na sayang lamang ang Tama at Maayos na serbisyo na programa ng gobernador kasama na ang libreng hospitalisayon sa probisnya kung pabaya naman sa kanilang serbisyo ang ilang mga nurse at doctor sa naturang pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *