Pamumulitika! nakikitang dahilan ng grupo ng jeepney drivers sa pagbukas ng City LGU ng ruta sa mga tricycle drivers

SORSOGON CITY – Naniniwala ang grupo ng jeepney drivers na SORINTRAFED na pamumulitika ang pangunahing dahilan ng City LGU sa pagbubukas ng ruta para sa mga tricycle drivers.

Bagama’t matagal nang usapin ang biglaang pagrelease ng prangkisa ng mga tricycle dahil sa mga binuksang ruta sa ilang bahagi ng lungsod, dismayado pa rin sa Committee on Franchise ang grupo ng mga jeepney drivers sa lalawigan sa ginawang hakbang na ito.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Ramon Dealca ang presidente ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) sinabi nito na hanggang ngayon ay hindi parin nila matanggap ang nangyari sa kalagayan ng lungsod kung saan kahit sa pinakamalalayong bahagi nito gaya ng Barangay Salvacion at Barangay Abuyog, na kahit mayroong bumabiyaheng jeepney ay binigyan pa rin ito ng ruta bagay na mas lalong nagpagulo sa sentro, kabawasan sa kita ng mga jeepney drivers at paglobo ng mga tricycle sa national highways na matagal nang ipinagbabawal ng DILG.

Naniniwala si Dealca na malaki ang naging kapabayaan rito lalo na sa parte ng  Committee on Franchise at Transportation na tila ginamit sa pamumulitika ang pagbubukas ng ruta bilang pangako sa transport sector para makakuha ng malaking boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *