ECQ o GCQ lang ang ipapatupad sa ilalim ng alert system sa COVID-19 reponse- Palasyo

Enhanced Community Quarantine (ECQ) o General Community Quarantine (GCQ) lamang ang ipapatupad ng gobyerno sa ilalim ng pilot implementation ng alert level system para sa COVID-19 response sa National Capital Region (NCR). 

Sa isang press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan na ng IATF provisionally ang guidelines para sa pagpapatupad ng alert level system para sa COVID-19 response. 

Ayon sa kalihim, ang mga panuntunan ay dedepende sa alert level na nakataas sa lugar sa loob ng Metro Manila. 

Aniya, sa ilalim ng alert level 4, highest risk classification, bawal ang dine-in, personal services, at mass gatherings habang pinapanalisa pa ang mga aktibidad na papayagan sa ilalim nito. 

Dagdag ni Roque, ang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) ay limitado lamang sa health workers at health professionals, at kahit mga government officials o employees na nakatira sa mga nakasailalim sa localized lockdowns ay di papayagang lumabas ng bahay. 

Mababatid na nakasailalim sa MECQ ang Metro Manila hanggang September 15, 2021 o hanggang maipatupad ang pilot general community quarantine na may alert level system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *