PH, nakapagtala ng 17,964 na bagong COVID cases; Active infections, pumalo na sa 175K

Umabot na sa 2,179,770 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala ng 17,964 na panibagong kaso ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa mga bagong kasong naitala, pumalo na sa 175,470 ang aktibong kaso sa bansa na siyang pinakamataas mula noong April 18.

Sa bilang na ito, 87.8 percent ang mild, 7.8 percent ang asymptomatic, 1.3 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa critical condition.

Umabot naman sa 1,969,401 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 9,067 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,899 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa nasabing virus matapos na makapagtala ng 168 na bagong fatalities. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *