Pangulong Marcos pinanganuhan ang 8th Annual Balik Scientist Program Convention

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang 8th Annual Balik Scientist Program Convention sa PICC complex sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang maraming magagaling nga mga Pinoy scientists sa labas ng bansa ang gustong umuwi at magtrabaho dito sa bansa.

Ang hinihingi lamang umano ng mga ito ayon sa Pangulo ay mabigyan sila ng suporta katulad ng mga equipment, pasilidad, at pondo sa kanilang mga ginagawa.

Ito umano ang pangunahing layunin ng balik scientist program na matiyak na naiibibigay ang mga kaukulang mga benipisyo sa mga Pinoy Scientist na nagdesisyon manilbihan dito sa bansa.

Kasabay nito ipinag-utos naman ng Pangulo sa DOST na gumawa pa ng mas maraming inisyatibo na na makakahikayat sa mga kabataan na pumasok sa scientific at technological courses.

Samantala tampok sa naturang aktibidad ang labindalawang presentasyon at innovations mula sa Host Institutions ng Balik Scientists at sa mga balik Scientists mismo na nagmumula sa tatlong sektoral na konseho ng DOST.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *