Paolo Contis, inamin na si Yen Santos ang nakitang kasama niya sa isang viral video

Aminado ang aktor na si Paolo Contis na third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni LJ Reyes, ngunit nilinaw na walang kinalaman rito ang kaniyang co-star sa pelikula na si Yen Santos.

Kinumpirma rin ng aktor na si Yen, na kaniyang leading lady sa “A Faraway Land”, ang nakita na kasama niya sa isang viral video.

Paliwanag ni Contis, naimbitahan niya si Yen sa Baguio City noong panahon na nasa US si LJ at ang mga anak nito.

Sinabi ni Contis na magkaibigan lamang sila ni Yen, at siya ang naisipan niyang tawagan noon dahil malapit lang ito sa norte.

Dismayado naman ang actor na nababahiran na ng kung anu-anong isyu ang pagpo-promote nila sa kanilang bagong pelikula.

Nilinaw rin ni Paolo na dahil sa kaniyang mga naging aksyon ay matagal nang hindi sila okay ni LJ.

Anya, meron third party na sangkot sa kanilang hiwalayan ngunit hindi ito si Yen.

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *