PBBM, hinikayat ang mga LGUs na mag-organisa ng fireworks display ngayong holiday season

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units na mag-organisa ng fireworks display at mag-set up ng common viewing area para sa kanilang mga nasasakupan ngayong holiday season.

Sa panayam sa Pangulo, sinabi ni Marcos na dapat gawin ito ng mga opisyal ng LGU para hindi na bumili ang mga tao ng sarilingpaputok na maaaring hindi awtorisado at mapanganib.

Pagkatapos ay binalaan ng Pangulo ang publiko tungkol sa mga panganib at epekto sa kalusugan ng paggamit ng paputok, lalo na ang mga resulta ng walang ingat at walang habas na paggamit nito.

Samantala, napansin ng Department of Health (DOH) kamakailan ang pagbaba ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa bansa.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa isang forum , na 122 kaso ang naitala noong 2020, habang 128 ang naiulat naman noong nakaraang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *