PBBM, senertipikahang ‘urgent’ ang pagpasa sa panukalang P5.26-T na budget para sa 2023

Senertipikahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang urgent ang pagpasa ng General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng P5.268-trillion na National Expenditure Program para sa 2023.

Kaugnay nito, natanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang one-page letter mula sa pangulo na may petsang September 16, na nananawagan sa agarang pagpasa sa House Bill (HB) No. 4488.

Ayon kay Marcos, na ang mabilis na pagpasa ay kinakailangan para matugunan ang pangangailangan na mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno, kasunod ng pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year, mapalakas ang pagtugon sa COVID-19 pandemic, at masuportahan ang mga inisyatbi tungo sa national economic recovery.

Ang “urgent” certification mula sa pangulo, ay nagpapahintulot sa approval ng panukala sa second at third reading sa parehong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *