PCG-Catanduanes, naglabas ng ilang mga paalala para sa mga beach goers ngayong ‘summer season’

BNFM BICOL—Naglabas ng ilang mga paalala ang Philippine Coastguard (PCG-Catanduanes) sa publiko lalo na sa mga beach goers o dumayo sa mga paliguan ngayong nagpapatuloy pa rin ang summer season.

Ayon sa PCG,  kailangang masiguro na mayroong mga nakabantay na lifeguard sa mga beach resorts na pupuntahan at tingnan kung kumpleto ang mga ito sa ‘life saving equipments.’

Pangalawa, tiyaking may sapat na suplay ng gamot sa first aid station ng resort o kung hindi naman ay magdala na lamang bago umalis ng bahay.

Ikatlo, mahalaga rin umanong tingnan kung may nakalagay na safety net at flag signals sa bahagi ng dagat na paglalanguyan. Ikaapat, basahin at unawain ang mga safety signages.

Ikalima, alamin ang mga safety precautions o pang-kaligtasang alituntunin. Pang anim, ang pag-iwas sa mga bahaging madalas daanan o daungan ng mga bangka at jetski.

Ikapito ang pagbibigay ng patnubay sa mga kasamang bata at matatanda.

 Iwasan din ang pagsulong sa dagat nang nag-iisa lalo na kapag nakainom habang ang ikawalo at huli ay alamin ang mga emergency number na pwede matawagan sakaling magkaroon ng emerhensya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *