PDEA, DILG at PNP Camarines Sur, dismayado sa mga PWUDs na bumabalik sa paggamit ng droga

NAGA CITY – Nakakadismaya dahil sa kabila ng patuloy na pagtulong sa mga Persons Who Use Drugs sa Camarines Sur at Naga City, nagagawa pa rin ng mga ito na bumalik at muling gumamit ng iligal na droga.

Ito ang naging hinaing ni Mark Anthony Viray, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur sa isinagawang press conference kahapon sa Summit Hotel Naga City na pinangunaha ng Philippine Information Agency. Aniya, sa kabila ng mga programa at pagtuturo sa mga PWUDs ng life skills para sa livelihood, may mga nahuhuli pa rin, ang iba nga sa mga ito kasama na sa mga financial assistance program ng pamahalaan.

Ayon naman kay Gelica Milkah Rivera, Local Government Operations Officer, Department of Interior and Local Government, Camarines Sur, sa bagong Programa kontra iligal na droga na BIDA o Buhay Ingatan Droga Ayawan, sa ilalim ng Penology Rehabilitation and Reintegration para sa mga PWUDs papalakasin ang community base drugs rehabilitation ng Department of Health ang moral recoveries, spiritual recoveries, family restoration, livelihood employment opportunity kasama ang iba’t-ibang ahensya upang masiguro na mabibigyan ng suporta at tuluyang ma-reintegrate ang mga PWUDs sa komunidad.

Sinabi naman ni PCOL Julius Caesar Domingo, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office katunayan ang dami nang mga livelihood products ang nagagawa ng mga PWUDs. Ang mga Barangay Opisyal naman dapat alam nilang sila ang unang tutulong sa kanilang mga PWUDs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *