Peacekeeping Force sa Naga City nagsimula na sa kanilang anim na araw na training

NAGA CITY – Nagsimula na sa kanilang panibago at dagdag na training seminar ang mga barangay tanod at mga personahe ng Barangay Anti-Drug Abuse Council ng Naga City na kung saan sa loob ng anim na araw mula kahapon ay tuturuan ang mga ito kung papano maging “first responders” kung may kalamidad at aksidente.

Ang nag-initiate ng aktibidad na ito ay ang komitiba ng Peace and Order, Public Safety and Dsisaster Management sa konseho na ang Chairman ay si City Councilor Gen. Melvin Ramon “Omar” Buenafe na kanyang inihayag sa media ang kahalagahan ng training seminar na ito.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Buenafe na mahalaga ang papel ng bawat barangay tanod at ng BADAC members sa kanilang komunidad,lalo pa at ang mga ito mismo ang nakakakilala sa mga pasaway pati na rin sa mga gumagamit ng illegal drugs.

Matututuhan ng bawat partisipants mula sa 27 barangay ng Naga City ang trabaho ng tunay na peacekeeping officers tulad ng sa Phil National Police, sabi pa ng konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *