Permanent ban sa mga illegal POGO operation sa bansa, iminungkahi ng senador

Ipinunto ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi lang nakakabawas sa integridad ng education system sa bansa ang umiikot na isyu ng ‘diploma mill’ sa Cagayan bagkus may implikasyon din ito sa ating pambansang seguridad.

Kaugnay nito, nanawagan din si Villanueva sa Commission on Higher Education (CHED) at National Security Council (NSC) na imbestigahan ang di umano’y pagbili ng mga Chinese students ng diploma na aabot hanggang dalawang milyon piso.

Ayon sa senador, kailangan matiyak ng gobyerno na hindi ito magiging ‘smokescreen’ para sa mga Chinese na pumasok sa bansa na may kaduda-dudang layunin tulad ng illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Alinsunod nito, iminungkahi ng senador sa gobyerno na ikonsidera ang pagpapatupad ng permanent ban sa lahat ng mga illegal POGO operations sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *