Ph, nagtala ng 360 new COVID-19 infections; Active cases, 11K pa

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 360 na mga bagong COVID-19 infections, dahilan para sumipa ang kabuoang case count sa 2,836,803.

Sa kanilang case bulletin, sinabi ng DOH na ang mga nangunang rehiyon na may mataas na mga kaso sa nakaraang dalawang linggo ay ang NCR (65 o 19%), Region 4-A (32 o 9%) at Region 6 (32 o 9%).

Sa gitna nito, bumaba naman ang bilang ng active cases sa 11,083 mula sa 11,255 noong Linggo, kung saan 4,292 ang mild, 782 ang asymptomatic, 1,948 ang severe, at 399 ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, may 61 pang pasyente na nasawi dahil sa severe respiratory disease habang 519 ang mga bagong nakarekober.

Ang naturang mga bilang ang nag-udyok para maitala ang kabuoang recoveries at deaths sa 2,775,379 at 50,341. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *