PH, nagtala ng pinakamatas na bilang ng active cases

Nagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na bilang ng mga active cases, kasabay ng pag-aanunsyo sa 32,246 na mga bagong kaso ng COVID-19.

Sa case bulletin ng Department of Health, lumalabas na lomobo pa ang total case count sa 3,058,634, kung saan 208,164 o 6.8 percent dito ang active infections.

Matatandaan na huling naitala ang lampas 200,000 na active cases noong April 17, 2021 sa 200,799.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa 11 laboratoryo na hindinakasumite ng kanilang datos, na kumakatawan sa average na 3.3 percent ng samples na tenest at 4.5 percent ng positive cases.

Samantala, tumaas rin ang COVID-related deaths 52,654, matapos maitala ang 144 na bagong fatalities, habang 5,063 ang bagong recoveries, dahilan para umakyat ang kabuoang gumaling mula sa sakit sa 2,797,816. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *